Thursday, May 01, 2008

Sayaw.

I can’t wait for the weekend. My relatives from the U.S. are going to be in town to celebrate my lola’s 90th birthday. I can’t believe she’s already 90 years old. I wonder if I’ll live to be that old. It’s scary to think of it… what if I’m old and alone and bedridden? Yikes.

Tita: “Karen, pinanood mo ba yung DVD na dala ko?”

Me (inaantok pa): “Opo… pinanood ko po kagabi…”

Tita: “Alin yung pinanood mo? Yung sabi ko? Yung Kembot?”

Me: “Opo…”

Tita: “O sige… gusto ko lang panoorin mo kasi nga sa Sabado, yun ang naisip kong sasayawin ng mga youngsters… kasi yung DJ ng lola mo ang patutugtugin eh yung mga songs na luma.. yung tipong di pa kayo pinanganak noon… eh at least yung kembot para sa mga bata…”

Me: “Eh sino po ba yung mga youngsters? Kami ba yun?”

Tita: “Oo… yung generation niyo… para naman may maisayaw kayo diba? Kasi di niyo naman ata sasayawin yung mga lumang tugtog…”

Me: “Ngeh, tita naman… di naman kembot ang music ng generation namin eh… we dance to hip hop and R&B… yung mga ganun… ”

Tita: “Alam ko nga… pero kasi nga at least yung video ipe-play lang tapos makakasunod yung mga kabataan…”

Me: “So ipe-play lang yung video tapos bahala na yung mga bisita magsayaw kung gusto nila?”

Tita: “Oo.. pero siyempre kailangan mauna kayong magpipinsan… dapat siyempre pagaralan nyo yung steps para kayo ang magpapasimuno tapos kung sino gusto magjoin, eh di sasali na lang sila…”

Me: “Ngeh, nakakahiya naman… eh di ganun din, sasayawin ko din.. ayoko ata…”

Tita: “Eh sige na.. minsan lang naman magcecelebrate ng 90th ang lola mo.. at di naman tayo parating nagsasalo-salo… kausapin mo yung mga pinsan mo para pagaralan nyo yung video para maisayaw nyo sa Sabado…”

Me (sighing under my breath): “O sige po, ipapapanood ko sa kanila and I’ll ask kung ok lang ba sa kanila na sayawin yun… pero unlikely na papayag sila… kung ayaw, kayo nalang po kumausap…”

Tita: “eh bakit naman di papayag eh minsan lang naman…”

Me: “eh kasi nga po maypagka-corny at medyo nakakahiya nga po eh…”

Tita: “ah basta ikaw na bahala kumausap ha…”

Me: “opo…”


I can’t wait to tell Leslie… she’ll freak out!!

No comments: